May karapatan ka ba?

matabangutak:

Minsan hindi natin alam ang sagot kung tama bang humingi ng atensyon sa taong hindi naman sayo. Tipong, karapatan mo ba sa kanya? Eh wala ka namang pinanghahawakan. Parang sa pagbili at nasira ang isang gamit. Kung wala kang resibo, wala kang pinanghahawakan na dun mo kinuha yun.

Parang sa pag-ibig lang din, kung wala yung ligaw na ginawa mo at hindi naman kayo. Parang napakahirap naman angkinin ng isang tao na hindi pa napapasayo. Pakers ano? Well, ganun talaga eh.


Postado em 2-04-2012 às 5:43am. Source.
Reblog this! / 206 notes

Yeah. :)

Postado em 31-03-2012 às 11:53pm. Source.
Tags:  this day! Reblog this! / 7,723 notes

(via makemestfu)

Postado em 31-03-2012 às 10:36pm. Source.
Tags:  I will Reblog this! / 1,099 notes
I’m busy right now for a relationship, but I really care for you.

matabangutak:

Ano ang ibig sabihin nito?

Isa siguro itong pag respeto sa taong minamahal, hindi naman sa hindi ka niya kayang mahalin, kundi takot lang itong mawalan ng oras sayo, siya yung taong ayaw magpadalos dalos, marami kasing ibig sabihin yan, pero dito tayo sa positibo, para hindi ka mawalan ng pag-asa pag dating sa pagmamahal.

Nagiging dahilan ito ng isang tao dahil ayaw niya pabigla bigla ng desisyon, siya yung taong kahit kaya niyang pagsabayin yung dalawang bagay, pag dating sa pagmamahal sinasantabi niya muna ang ugali niyang iyon.

Malay mo busy talaga siya ngayon? Edi wala na siyang oras sayo diba?

Paano kung mapatunayan niya pagdating ng panahon kung sakaling makapag hihintay ka na mahalin talaga siya, hindi bat nakakatuwa yung ginawa niyang respeto sayo? Hindi niya pinagsabay yung mga bagay na sasagabal sa relasyon niyo. Gusto niya sigurong masolo ka, sayo ang atensyon niya.

Tatak garantisado.


Postado em 29-03-2012 às 11:19pm. Source.
Reblog this! / 191 notes

matabangutak:

Totoo nga pala talagang kapag sobrang naging masaya ka eh pagkatapos nito eh mararamdaman mo ang biglaan kalungkutan. Tipong inenjoy mo ng husto ang araw o kaya yung bondingan niyong magkakaibigan, tapos bigla silang aalis dahil kailangan din nilang umuwi sa kani kanilang mga bahay.

Para bang ayaw mong matapos yung araw na yun kasi alam mo sa huli na magiging mag-isa ka na lang muli. Ramdam mo ulit na mag-isa ka na lang. Tipong, onti onti ka na namang binabalot ng kalungkutan. Tipong, hindi mo na ulit kayang harapin ang problema, nagiging madilim na naman ang iyong paligid. Babalik na naman ang buhay mo na nakakulong sa isang maliit na kwarto. 

Pero, yun nga siguro ang challenge satin bilang tao. Ang labanan ang kalungkutan na yun, siguro ok na din yung maging thankful dahil sa naranasan mong sobrang kasiyahan. 


Postado em 29-03-2012 às 11:16pm. Source.
Tags:  LIFE!!! Reblog this! / 152 notes

Yeah, struck. :”>

(via thisisthestoryyofagirl)

Postado em 17-03-2012 às 11:20pm. Source.
Reblog this! / 35,429 notes

Yeaaaaaah. :”>

Postado em 17-03-2012 às 11:04pm. Source.
Reblog this! / 206 notes

Give me one! I need one. Hahaha :)

Postado em 17-03-2012 às 11:04pm. Source.
Reblog this! / 14,794 notes
Mahirap kapag nasanay kang laging nandiyan siya.

matabangutak:

Minsan kahit ok ang relasyon niyo. Dapat iniisip mo rin na magtira ka dapat sa sarili mo. At hindi lahat sa ka relasyon mo. Kahit na buo ang tiwala mo diyan. Kahit na sobrang mahal mo yan.

Dapat meron pa rin dapat sa sarili.

Parang alak lang yan. Huwag kang magubos kapag makikipaginuman ka. Para makauwi ka.

Sa pag-ibig naman huwag kang maguubos ng pagmamahal sa sarili mo para naman maka move on ka.

Ginawa mong buhay ang relasyon niyo e. Iniwan mo yung ibang taong malalapit sayo.

Mga kaibigan mo. Pati magulang mo sinusuway mo. Hindi mo na sila sinasamahan kapag nagpapasama sila sayo. Natuto ka nang sumagot dahil sa may sinasabi silang hindi maganda sa karelasyon mo.

Paano nasanay kang kasama mo siya. Hindi lang sa kanya iikot ang mundo mo. Napakaraming bagay ang tumutulong para umayos ang pagkatao mo. 


Postado em 17-03-2012 às 7:37am. Source.
Reblog this! / 199 notes
Tips para maisagawa ang pagdidiet.

Kailangan sigurado ka sa sarili mong mag didiet ka talaga, hindi yung ningas kugon lang. Tandaan mong hindi solusyon ang fasting, DIE-t ang gagawin mo sa sarili mo niyan. Maaga kang mamamatay, at kung sakaling papayat ka man, hindi healthy ang gagawin mo sa sarili mo.

Kung ako ay magpapayo sa sarili ko lamang na experience, maniwala ka sa hindi dapat kumain ka ng limang beses sa isang araw. Oo tama ka ng basa limang beses sa isang araw.

Paano ba ito masasagawa?

  • Dapat sapat lagi ang tulog mo para umabot ka sa 8am Meal. Eat like a boss, kumain ka ng madami, walang mangyayari kahit marami kang kainin sa umaga. Ito ang kailangan ng katawan mo, samantalahin mo ang oras na ito.
  • Kumain ka every 3 hours or 2 hours, para hindi ka magutom palagi, pero light meals na lang, maaring isang tinapay kada 2 oras, o kaya naman eh gulay.
  • Bakit every 3 hours to 2 hours? Ito eh para hindi ka lagi magutom, ang mali sa iba eh nag fafasting sila para feel nila pumapayat sila ito ang hindi nila alam….
  • Kapag nag fafasting ka at naisipan mong kumain, mapapadami ka ng kain dahil nga sa nag simula ka nang mag starve. Tandaan mo na babagal ang metabolism mo kapag nagugutom ka.
  • Dapat mahilig ka sa tubig, dahil minsan hindi mo alam uhaw ka lang pala, akala mo busog ka, ito eh para mag send ng maayos ang tiyan ng signal sa utak mo para alam mo kung uhaw ka lang o gutom.
  • Kesa mag juice ka, or softdrinks, mag tubig ka na lang, walang calories ang tubig, isipin mo kung iinom ka ng softdrinks 110 calories ito, tandaan mo na 2500 ang kailangan na calories nang isang tao, at kung nag didiet ka naman 1500 calories lang ang kailangan mong magastos sa isang araw.
  • Iwasan mo ang matatamis, ito ang unang kalaban mo.
  • Subukan mong mag exercise o naman tumakbo kasama ang mga kaibigan, sa mga parks, sa mga fun run, sa sports center at kahit saan na pwede kang tumakbo.
  • Huwag kang mag set ng araw kung kailan ka mag diet, kakatamaran mo lang ito.
  • Disiplina na malupit ang pinakahuling maipapayo ko sayo, kung wala ka nito walang mangyayari sa gusto mong mangyari, tataba ka ng tataba sa gagawin mo.

Mas naniniwala akong mas mahirap mag papayat kesa magpataba, madali lang tumaba, kumain ka lang ng kumain. 

Ang magpapayat mag eexercise ka, iiwas ka sa madaming pagkain, kailangan mo pa ng disiplina sa sarili.

Sana ay nakatulong ang ilan kong health tips sa inyo, kung gusto niyo eh ikalat niyo ito para magkaroon ng idea ang ilang mambabasa dito. Kaya ko alam ito eh ito yung ibang nalaman ko na sinabi sa akin nung trainer ko sa gym ko. Dinagdagan ko nalang ito base sa natutunan at naranasan ko. 

(via matabangutak)


Postado em 17-03-2012 às 7:37am. Source.
Reblog this! / 312 notes
Tips sa mga papasok na freshmen sa College.

matabangutak:

Dahil malapit na magpasukan. Susubukan nating talakayin ang incoming freshmen sa college. 

Tandaan mo na ibang iba ang environment ng College sa Highschool, dito mo masasabing totoo pala lahat ng sinasabi ng teacher mo, dito mo masasabi na kailangan mo na pala talaga magsikap, dito mo matatanong kung sino ba ang dapat maging kaibigan. Magbibigay ako ng ilang idea para hindi ka mahirapan sa unang araw ng pasukan.

  • Dahil freshmen ka palang, siguraduhin mong papasukan mo ang unang araw ng pasukan, tandaan mong wala ka pang kakilala na kaibigan doon, malaki ang ma mimiss mo sa college life mo kung unang araw ng pasukan palang eh absent ka na.
  • Bakit ko nasabing dapat kang pumasok? Dito kasi malalaman mo yung mga approachable na kaibigan, tandaan mong pareho lang kayo ng nararanasan, kung kaya mo silang i approach, i approach mo na rin sila minsan kasi may malaking barrier nang hiya sa inyong dalawa, bigyan mo siya ng killer smile, pero yung ngiti na palakaibigan ha? Baka ngiting manyak ang ibigay mo eh kung saan pa kayo mapunta.
  • Magpakatotoo ka lang, halata kasi yung mga galaw na pilit. Kunwari normal na tao ka lang, tapos magiging conyo ka, o kaya naman biglang naging englishero/englishera ka eh baka matampal ka ng taong nakakarinig sayo. 
  • Kahit na alam mo na ang sagot, subukan mo ulit itong itanong sa katabi mo, pero nasa timing ka dapat. Ang paraan na ito ay epektib para magkaroon ng komunikasyon sa inyong dalawa na maaring pagumpisahan ng magandang pagkakaibigan.
  • Isulat mo lahat ng notes at requirements na ibibigay ng Professors mo, karamihan ngayon sa mga Professors ay Requirements Nazi, yung tipong kailangan lahat meron ka agad. Madalas naman na hingin e, index card, ballpen, libro, envelope para sa portfolio niyo at marami pang iba, depende sa prof talaga.
  • Tanggapin mo na lang na iba iba na ugali ng mga kaklase mo, dahil ung iba ay laking maynila, at yung iba eh laking probinsiya, dito masusubukan ang personalidad mong makisama, alam mo siguro ang mabuti sa masama ikaw na ang bahalang dumiskarte dito.
  • Maghakot ng kaibigan as much as possible, sila ang kokopyahan mo in the future. Tandaan mong block section kayo.

Marami pang ibang paraan para ma enjoy mo ang buhay college. Sa una lang mahirap yan, pero kapag natuto ka nang magsinungaling para gumala at samahan ang kaibigan mo, Cool ang College! Hell ang highschool.


Postado em 17-03-2012 às 7:07am. Source.
Tags:  likeeee!! :) Reblog this! / 975 notes

victongai:

Crazy Eyes, New York Times.

Victo Ngai

I drew some crazy eyes for New York Times’s Sunday Technology page. The article is online now and will be in this Sunday’s paper. (March 18th). Many bifocal glasses wearers have to bob their heads up and down for the right focuses when looking at computer screens, a new type of lens is introduced to ease this strain.

Due to time constrain, AD Minh and I started working on this piece before the article was written. So we only had a rough concept to work with. Minh liked what I did with the “The ghost of tax return” for the NYT a month back and suggested we could use a similar approach to show someone staring at the screen with their head bobbing up and down. I usually like to come up with my own ideas, but this time I found the idea suggested very fun and was happy to play along. It turned out to be a great collaboration, thanks Minh for all the insightful inputs! 

Postado em 17-03-2012 às 6:36am. Source.
Tags:  n i c e Reblog this! / 1,839 notes

When it rains, it pours. ♥

(via moltmoney)

Postado em 17-03-2012 às 5:58am. Source.
Tags:  hahaha!! Reblog this! / 71,955 notes

Postado em 15-03-2012 às 12:20am. Source.
Tags:  the stilletos,  the jeans,  !!!! Reblog this! / 12,805 notes